Naglalakad ako pauwi sa kanto Abad Santos sa may Avenida nang napansin ko ang isang sunog na gusali, bigla akong napa reminisce, naalala ko at sinabi sa sarili
naaalala ko pa noong second year high school pa ko,
dito pa kami sa gusaling ito nagbibilyar
pagkagaling sa eskwela
habang nakikipagpustahan pa ng mesa mesa
sa Marjohns Billiards. Parang kelan lang.
ngayon sunog na sya. PERO TEKA? … (sniff~sniff)
Naamoy ko na parang fresh pa ang sunog. Amoy sunog ang kapaligiran at amoy Usok. Hindi ko pinansin, at inisip na lang na siguro nga ay naaamoy ko lang ang mga sunog na kahoy sa lumang gusali. At nagpatuloy na sa paglalakad, Nang biglang napansin ko sa aking paglingon sa likuran na ang aking naaamoy lang pala ay ang makapal na usok na galing sa tambutso ng mga dumadaang jeepney sa aking likuran. Weird, kala ko talagang amoy sunog na eh! Mga buwisit na smoke belchers lang pala! Singhot pa ko ng singhot!
Who Lio?
6:29 PM
xx