
Naranasan mo na bang makaiwan ng ID, o mawala, ma misplace? Tapos problema mo hindi ka makapasok sa eskwelahan dahil wala kang ID. Naaalala mo ba tong mga ginagawa mong kung ano ano para lang makapasok sa klase?
1. Kukunin ang wallet sa bulsa at kunyaring isaswipe ito, iiwasang makipag eye to eye contact sa guard, deadma lang dirediretso ang lakad, medyo may kabilisan na kunyari ay nagmamadali at late na sa klase para kapag hindi tumunog kunyariy hindi nito alam na wala palang tumunog dahil nga preoccupied ka.
2. kunyari ulit na magsaswipe ng wallet, iiwasang makipag eye to eye contact sa guard, at biglang kunyari ay may nakita kang friend mo sa loob at kakamustahin, "hoy, musta ka na? andyan na si sir? blah blah blah" para kapag kinausap ng guard ay parang lumalabas na bastos pa ang Guard dahil sa pagsabat nito sa usapan, mahihiya ang guard at pababayaan na lang.
3. maghihintay ng kasabay na papasok, mas advisable kung marami ito. makikipagsiksikan, magtatago sa likod ng ilang estudyante kunyari ulit na isaswipe ang I.D. bubungisngis pag lagpas sa guard.
4. meron namang style na makapal ang mukha, isaswipe ang wallet na walang laman na ID, obviously hindi tutunog, ang gagawin kunyari ay mainit pa ang ulo at isaswipe ulit, ayaw parin, maiinip na at bumubulong bulong pa na kunyari ay nagtataka, sabay aalis na lang sa inip na parang frustrated.
5. kung hindi gumagana sa inyo ang mga ganitong istilo, subukang pumasok ng may poster color pa sa mukha at tipong magulo ang buhok na parang hindi naligo habang may bitbit ka na limang 20x30 boards sa kilikili at mga brushes sa kabilang kilikili at bag na bukas pa dahil wala nang time para isara, mas advisable kung teary eyed ka, tipong wala ka nang available na kamay para ipang swipe. tingnan lang natin kung hindi magsulat ang guard sa "wish ko lang" upang matulungan ka sa problema mo.
Who Lio?
6:38 PM
xx