Walang Nagmamahal sayo! uhm!
hindi naman naa-update ng kadalasan ang ibang account ko online. wait teka lang, better yet, hindi naa-update period.pero sa isang araw ng aking pagbabaybay sa information superhighway aking napansin sa isang membership site ang isang kataga...medyo SAD at upfront lang yung term na ginamit ng isang membership site tungkol sa kawalan ko ng kaibigan. For a moment medyo napaisip ako dun. (shiyet, pano nya nalaman?) este, i mean, pwede naman sabihin nya saken, "you have no added friends yet" but no, wala kang kaibigan! walang nagmamahal sayo! ang sabi nya sa akin. medyo harsh. sad... (sabay yakap sa sarili with matching self-pity didilim ng konti ang lighting. zoom out. fade to black sabay pasok ng All out of love ng Air Supply sa background audio)
Who Lio?
4:55 PM
xx