Tuesday, November 20, 2007


Mga Kahina-hinalang Taxi

Disclaimer: Hindi to tungkol sa mga manong drivers na hindi nag-she-shave at mukhang bespren ni Romy Diaz at Max Alvarado sa mga pinoy movies.



Matagal ko na kasi napapansin, ang mga Information sa mga taxi na pinalagay ng LTO.




Requirement din ba talagang nabubura yung paint ng contact number-plate number-pangalan sa may pintuan ng taxi? Not unless poster color ang gamit dito okaya yung crown na watercolor nadilaw na pinapagamit saten nung kinder at elementary. 

Hindi naman siguro liquid paper ang gamit dito. 
Kaya mapapaisip ka nalang sa loob mo ng mga ganitong tanong kung bakit nabubura to.

  1. Pag sumakay ba ang pasahero sa loob ng taxi ay normal na sumasayad ang tagiliran mo dito sa part na ito
  2. kapag binuksan ba ng pasahero ang pinto palabas ay automatic na sasayad and kanyang braso sakto sa part na may pinturang ito?
  3. 90% ba ng pasaherong nakakatulog sa taxi at sumasandal sa pinto ay tumutulo ang laway sa pintura para mabura? at ilan sa porsyentong yun ang acidic ang laway.

hindi mo rin maiwasang isipin na ang message na gustong i-imply sa pagkakabura ng mga paint dito eh eto.


may maganda din namang naidudulot ito, to be fair. bigla kang nagiging attentive sa details ng dinadaanan nyo, gaya ng madidilim na eskenita, gumagaling ka sa math sa pagsukat sa height ng matataas na talahib, ang pagbilang kung ilan kanto bago lumabas ulit ang susunod na poste ng ilaw. at gumagaling ka rin sa geography, dati rati parelax-relax ka lang kapag bumabyahe, ngayon inaalam mo pa pati kung saan kayo dumadaan --

"bosing, san daan naten?" (translation - nasan na kami, Lord? bakit wala nang sibilisasyon dito)

"san labas naten sa ruta na to, bosing? (translation - makakalabas pa kaya ako ng buhay dito?")


Who Lio?
7:31 PM

xx





Comments: Post a Comment





The Wire
Pilipinas Street Plan
Orya Villarama
Reine Sison
Anna badrama
PewPewdxing
Taklina
Darryl
Jobants
Alps
Lamm
Ciel
Ysa
Joanarc
Mike Lopez




View More Artworks
Currently listening to
My Multiply
my Profile