Hey Blogspot, 2014 says hi!
Akala mo ah. So this blog is still alive, apparently. Nagulat ako, buhay pa pala 'to. Sabi ni Blogger dot com, "You'll Need To Update Your Template".
Tama, sabi ko, it's about time. But then I realized, this is actually the first successful and longest running HTML code that i have ever done, years before I even become a web designer by profession. So medyo sentimental ako dito. so might as well, just retain the old crappy template code and the cheesy design (nung time na yun, feeling ko cool na 'tong design ko na to).
Haay, Election nanaman sa 2010. kaya nagkalat ang mga "Campaign-concealed-in-advocacy-message" na poster. andami kong nadadaanan sa kalye gaya nito:
this is what probably happened:
Client: Gusto ko nasa Heaven daw ako kunyari. I wan't my face to occupy majority of the layout, My campaign idea is to annoy more people so that they would remember my name. people would be like "hey, that's the badly-photoshoped-lady"
Graphic artist: ok, can you email me your firewoman photos so that your massive-photo on your advocacy campaign would actually make sense.
Client: No, just put on a fireman cap on photoshop. nobody would notice that. we'll email you more Grad pics from the 90's instead.
Graphic artist: ok, thanks you can email me at ILOVE-OUTERGLOW-SO-MUCH@GMAIL.COM
Sa may Gamboa Makati - Kaninang tanghali lang, tantsa ko nasa around 1:24pm may bumigay na dinedemolish na building (Parkview) sa may sidewalk. wala naman daw naiulat na nasaktan pero base sa mga napulot kong tsismaks (at para mas maganda at exciting ang kwento) mayroon daw muntikan na mabagsakan ng gusali, nakatakbo lang daw. so far yun yung napulot kong tsismaks nang maki-usyoso ako. mga litratong ng nagfufumeeling photoblogger. apir! click mo, para mas masaya ang viewing!
Disclaimer: Hindi to tungkol sa mga manong drivers na hindi nag-she-shave at mukhang bespren ni Romy Diaz at Max Alvarado sa mga pinoy movies. Matagal ko na kasi napapansin, ang mga Information sa mga taxi na pinalagay ng LTO.
Requirement din ba talagang nabubura yung paint ng contact number-plate number-pangalan sa may pintuan ng taxi? Not unless poster color ang gamit dito okaya yung crown na watercolor nadilaw na pinapagamit saten nung kinder at elementary. Hindi naman siguro liquid paper ang gamit dito. Kaya mapapaisip ka nalang sa loob mo ng mga ganitong tanong kung bakit nabubura to.
Pag sumakay ba ang pasahero sa loob ng taxi ay normal na sumasayad ang tagiliran mo dito sa part na ito
kapag binuksan ba ng pasahero ang pinto palabas ay automatic na sasayad and kanyang braso sakto sa part na may pinturang ito?
90% ba ng pasaherong nakakatulog sa taxi at sumasandal sa pinto ay tumutulo ang laway sa pintura para mabura? at ilan sa porsyentong yun ang acidic ang laway.
hindi mo rin maiwasang isipin na ang message na gustong i-imply sa pagkakabura ng mga paint dito eh eto.
Kung gusto mo kong tawagan at magreklamo sa aking driving skills hahaha. subukan mo lang kung kaya mo!
Wag mo nang alamin ang aking plate number para itext sa iyong kaibigan instead itext mo nalang sa parents mo "I love you mommy, daddy, sorry sa lahat ng kasalanan ko, ingatan nyo ang isa't isa magmahalan kayo mga kapatid ko. (send)
may maganda din namang naidudulot ito, to be fair. bigla kang nagiging attentive sa details ng dinadaanan nyo, gaya ng madidilim na eskenita, gumagaling ka sa math sa pagsukat sa height ng matataas na talahib, ang pagbilang kung ilan kanto bago lumabas ulit ang susunod na poste ng ilaw. at gumagaling ka rin sa geography, dati rati parelax-relax ka lang kapag bumabyahe, ngayon inaalam mo pa pati kung saan kayo dumadaan --
"bosing, san daan naten?" (translation - nasan na kami, Lord? bakit wala nang sibilisasyon dito)
"san labas naten sa ruta na to, bosing? (translation - makakalabas pa kaya ako ng buhay dito?")
GMA: Iggy, im bored, let's do something fun. Ignacio: oh no, I'm not sure about that pubic hair flossing again. What do you have in mind? GMA: uhm, I know! Let's do something irrelevant, so impertinent that it would blow people's mind! So absurd that someone out there would blog this stupid conversation! Ignacio: hmmm... why not Give Erap a pardon!? He has never acknowledged you as a legitimate president. it would be really irrelevant! GMA: yeah Iggy, that's what I'm talking about! I'll do that! it would be just like that house we toilet-papered!
hindi naman naa-update ng kadalasan ang ibang account ko online. wait teka lang, better yet, hindi naa-update period. pero sa isang araw ng aking pagbabaybay sa information superhighway aking napansin sa isang membership site ang isang kataga...
medyo SAD at upfront lang yung term na ginamit ng isang membership site tungkol sa kawalan ko ng kaibigan. For a moment medyo napaisip ako dun. (shiyet, pano nya nalaman?) este, i mean, pwede naman sabihin nya saken, "you have no added friends yet" but no, wala kang kaibigan! walang nagmamahal sayo! ang sabi nya sa akin. medyo harsh. sad... (sabay yakap sa sarili with matching self-pity didilim ng konti ang lighting. zoom out. fade to black sabay pasok ng All out of love ng Air Supply sa background audio)
"PUTSA!" unang reaksyon ko nang makita ko itong video na to. hindi ko alam na may ganyan pala dito sa pinas. Pero naisip ko rin siguro, mga bibitayin na yung mga inmates na ito tapos mapapalaya o mababawasan ang sentensya sa kanila kapag pumayag silang sumali sa dance showdown ni warden... maraming nagpabitay nalang.
Pero sabi nga ni Krisanto mas okay parin daw ang thriller choreography ng pinoy kesa dito. Kung ang purpose nila dito ay manakot mas elibs ako sa choreographer nila kesa sa prosthetic artist nila...